Huwebes, Enero 24, 2013

Ang Pag Asa ng Lupang Hinirang

 

Ulan, umiiyak ang langit nahulog ang mga anghel sa lupa nag iba ang pagtingin sa tag araw.
 
Tuwang tuwa ang mga halaman, 
pagkaraang lantain ng panahon, 
ng lupit ng mala-digmaang pagpili 
kung sino ang mamumuno 
o maghahari sa lupa na tigang 
sa malasakit at pagmamahal,
ay dumatng ang tubig 
para lunurin ang apoy 
na tila gustong mamahay sa puso. 
Hinugasan ang mantsa ng pagkakaiba 
inagos patungo sa dagat ang galit 
at pinalitan ng pang unawa.
 
HInde kailangang marahas, 
Ang walang tigil na mahinang patak 
ay kayang bumasag o kuminis ng bato.
Ang hinde marunong umunawa 
ay masahol pa sa mangmang.
Ang pag-ibig ay marunong maghintay.
 
O Diyos ng pag ibig at katotohanan 
maraming salamat po. 
Kailangan namin ang Iyong patnubay.
Ikaw ang tunay na pag asa 
ng iyong lupang hinirang.