Mas Masarap Magmahal Kaysa Mahalin

Sa kaharian daw ni Bathala,
kung saan ang naghahari ay pag-ibig
na walang halong pagnanasa,
ang bawat tunog ay musika
at ang bawat salita ay tula.
Ang bawat pangarap ay natutupad.
At ang luha ay tanda ng kaligayahan.
 
 
Ang pag-ibig ay hinde pagnanasa
na hinde nagbibigay ng walang kapalit
at hinde nakabase sa kalayaan kundi
sa takot at gapos ng pag-angkin;
Na ang pagmamahal ay makasarile
at nakatuon lamang sa kasiyahan ng isip at laman;
Na ang tuwa ay naka-asa sa iba,
kaya puno ng takot at di kayang mag-isa
upang pakinggan ang himig at turo ng katahimikan
at malaman ang tutuong dahilan ng ingay
sa kanyang paligid at sa kanyang katauhan;
Na ‘di kayang magbigay ng tunay na tuwa
dahil wala siya nito, at ‘di niya madama
ang pag-ibig na natulog sa kanyang puso
dahil ayaw niyang gumising, idilat ang mata,
at maiging tingnan ang katotohanan
upang makalaya sa gapos ng dilim
at walang katapusang paghangad.
.
Walang hangganan ang pag-ibig;
Wala ring maaring makakahadlang.
tulad nito’y ilog na maaring sagkaan
ngunit di maaring pigilan.
Itoy malalim na dagat
na kayang lunurin ang walang tigil
na ihip ng hangin ng hangarin.
Tulad ng Diyos ng Pag Ibig,
isa sa katangian ng sangkatauhan
ay ang kakayang tunay na umibig
at magmahal ng walang kundisyon.
Kahit hayop ay marunong magmahal.
.
Ang pag ibig ay kaligayahan.
Ang kaligayahan ay buhay.
Pilitin nating umibig ng tunay,
Ang taong di marunong umibig
ay isang buhay na patay.
.
Mas masarap magmahal kaysa mahalin.
Ang mapagmahal ay masarap mahalin.

.
ArlenKali-100518

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento