Ang pag-ibig ay hinde pagnanasa
na hinde nagbibigay ng walang kapalit
at hinde nakabase sa kalayaan kundi
sa takot at gapos ng pag-angkin;
Na ang pagmamahal ay makasarile
at nakatuon lamang sa kasiyahan ng laman;
Na ang tuwa ay naka-asa sa iba,
kaya puno ng takot at di kayang mag-isa
upang pakinggan ang himig ng katahimikan
at malaman ang dahilan ng ingay at kaguluhan;
Na ‘di kayang magbigay ng tunay na tuwa
dahil wala siya nito, at ‘di niya madama
ang pag-ibig na natulog sa kanyang puso
dahil ayaw niyang gumising, idilat ang mata,
at tingnang tunay ang katotohanan
upang tunay na lumaya sa gapos ng dilim
at walang katapusang paghangad.
.
Walang hangganan ang pag-ibig;
Wala ring maaring makakahadlang.
Ito’y ilog na maaring sagkaan
ngunit di maaring pigilan.
Itoy malalim na dagat
na kayang lunurin ang walang tigil
na ihip ng hangin ng hangarin.
Tulad ng Diyos ng Pag Ibig,
isa sa katangian ng sangkatauhan
ay ang kakayang tunay na umibig
at magmahal ng walang kundisyon.
Kahit hayop ay marunong magmahal.
.
Ang pag ibig ay kaligayahan.
Ang kaligayahan ay buhay.
Ang taong di marunong umibig
ay isang buhay na patay.
ArlenKali10-5-2018
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento