Walang tigil ang buhos ng ulan.
Inagos na ng patak nito ang buhay
ng marami sa aking halaman.
Madilim, kasing kulimlim
ng aking pakiramdam ang paligid;
Tila hanggang sa puso ko
ay umabot ang ulan.
Hinde ko mapigil ang gusto ng aking isip.
ibinabalik niya ako sa nakaraan,
sa pait at tamis nito;
Sa alaala ng mga mahal sa buhay
at ng mga kaibigang lumisan
na di ko na muli pang makikita.
Ah kalungkutan, 'di ako makagalaw
pinaparalisa ng siphayo ang aking katawan.
Mabuti na lang, gumagana ang ilaw,
at maraming pangalan ni Krishna
ang inaayos kong lumang computer.
Kay tamis pakinggan ng mga awiting
sa Kanya ay aking inialay,
Unti unting nalulusaw
ang aking lumbay.
.
Haribol
My transcendental version of
Phil Collin's "Groovy Kind of Love"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento