Sa kaharian daw ni Bathala,
Kung saan ang naghahari ay pag-ibig
na walang halong pagnanasa:
Ang bawat tunog ay musika,
Ang bawat salita ay tula,
Ang bawat pangarap ay natutupad,
Kung saan ang naghahari ay pag-ibig
na walang halong pagnanasa:
Ang bawat tunog ay musika,
Ang bawat salita ay tula,
Ang bawat pangarap ay natutupad,
Ang oras ay walang hangganan,
Walang katawang lupang nahahapo,
Walang mapagimbot na kaisipan,
Walang tanong na walang kasagutan,
Walang nagtatanong
walang may nais pang malaman,
At ang bawat patak ng luha
At ang bawat patak ng luha
ay tanda ng labis
na pag-ibig sa Diyos
at umaapaw na kaligayahan.
Kaya kung nais mong madama
ang tunay na tuwa,
ang tunay na hiwaga at
kapangyarihan ng pag ibig,
at kung ano ang layon ng katotohanan;
Hanapin mo
ang Kaharian ni Bathala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento