Tuwang tuwa ang mga halaman,
pagkaraang lantain ng panahon,
ng lupit ng mala-digmaang pagpili
kung sino ang mamumuno
o maghahari sa lupa na tigang
sa malasakit at pagmamahal,
ay dumatng ang tubig
para lunurin ang apoy
na tila gustong mamahay sa puso.
Hinugasan ang mantsa ng pagkakaiba
inagos patungo sa dagat ang galit
at pinalitan ng pang unawa.
HInde kailangang marahas,
Ang walang tigil na mahinang patak
ay kayang bumasag o kuminis ng bato.
Ang hinde marunong umunawa
ay masahol pa sa mangmang.
Ang pag-ibig ay marunong maghintay.
O Diyos ng pag ibig at katotohanan
maraming salamat po.
Kailangan namin ang Iyong patnubay.
Ikaw ang tunay na pag asa
ng iyong lupang hinirang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento