1
Maliwanag ang gabi
noong tayo'y nag-uusap
sa lilim ng buwan
na minsa'y nagtatago sa ulap.
Ang iyong buhok
ay hinahaplos ng kanyang sinag.
Ikaw at ang paligid
ay tila isang pangarap.
2
May mga talang kumikislap sa'yong mga mata
na sa araw ay hinde ko napapansin at nakikita
Akoy tagasunod at bihag ng 'yong liwanag.
Ang lumigaya ka ay ang tangi kong hangad.
CHORUS:
Di ko alam kung tutuong walang hanggan
ang pag ibig na ang dulot ay kaligayahan.
Ngunit kung ito ay may anyo at pangalan,
nang gabing 'yon ang pag ibig ay ikaw.
CODA:
Ang pag ibig ba ay may wakas?
Ang pag ibig nga ba'y hinde nakakakita ng kulay?
Ang umiibig ba'y bulag o nagbubulagbulagan lamang
sa mga pagkukulang ng minamahal.
3
Tahimik ang paligid, wala akong naririnig
kundi ang kalabog ng nagwawalang puso
at ang sigaw ng isipang sa akin ay umuudyok
na lapitan ka, yakapin at hagkan.
4
Sing tamis ng pulot ang yong mga ngiti
habang binibigkas mo ang mga katagang
tila liriko ng isang napakagandang himig.
Mula nang makita ka ay wala na akong ninais
kundi ang makita kang msaya
at makasama sa aking daigdig.
ArlenKali-7/26/2018
.......
"PARALUMAN"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento