1
Hayaan mong ang agos
ng tubig sa ilog
ay hugasan ang 'yong
mga paa.
Hayaan mong hawakan ko ang 'yong mga kamay
at tumawid sa ilog
na kasama ka.
Payapa ang paligid at
ang mga ibon
at ang puso ko'y
umaawit.
2
Banayad ang simoy ng hanging tila
nakikipaglaro sa halaman
Banayad din ang dantay ng aking mga kamay
ng ikaw ay aking hawakan.
Tila ba ang langit ay nasa lupa na
Kayat ang puso ko sa tuwa ay umaapaw.
Chorus
Ikaw at ang ilog ay tila isang pangarap
kagandahang iingatan ko.
Ikaw at ang ilog ay may hiwagang
Di mawawala sa puso't isip ko.
3
Hayaan mong ang takot sa aking isipan
ay pawiin ng luha sa'yong mata.
Hayaan mong umagos ang aking pagsuyo
patungo sa kung nasaan ka.
Iduyan mo ako sa simoy na nagmumula
sa puso mo at sa kaitaasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento