Gau Ra Ang Ga


Sa isang malayong bayan akoy isinilang
bayang masagana sa sikat ng araw.
Eden maligayang sa ami'y pumanaw
at perlas ng dagat sa dakong silangan.



Ang mga nasa ko mula magka-isip
magpahanggang ngayong maganap ang bait.
Ang makita siyang hiyas na marikit
sa dagt silangang nakaliligid.

Noo'y nagniningning at sa mga mata
mapait na luha bakas ma'y wala na
wala na ang poot, wala nang balisa
walang kadunguan munti mang pangamba.




Ako ay naglakbay sa malayong bayan
hangad ay matagpuan ang kasagutan
Hirap ng bayan ay nais maibsan
sa gapos ng sakit at kamangmangan.

Sari saring isip ang aking pinuntahan
ibat ibang tinig ang pinakinggan.
Doon ay nalaman ko na ang kasagutan
ay matatagpuan sa Diyos na may lalang.


.
Kayat sa himig na aawitin ko'y 
sundan mo ng sundan
pagkat naririto ang kasagutan.
Tahimik na isipan ay dito makakamtan
Ligayang hinahanap mo ay
dito matatagpuan..
.


Gau Ra Ang Ga, Gau Ra Ang Ga
Gau Ra Ang Ga, Gau Ra Ang Ga
Gau Ra Ang Ga, Gau Ra Ang Ga
Gau Ra Ang Ga, Gau Ra Ang Ga

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento