Ang Layunin ng Lungkot

 

Maraming bagay, kabilang na ang kahirapan, personal na paghihirap, sakit, diborsiyo, at kamatayan, ang sanhi ng kalungkutan. . Walang magagawa ang pagiging relihiyoso o espiritwalidad, ang positibong pag-iisip, ang brainwashing o paghuhugas ng utak, at maging ang iba pang paraan ng makakapagtanggal ng kalungkutan; habang tayo ay nasa mundong ito makakaranas tayo ng kalungkutan dahil ito ay natural na elemento ng mundo. Ang lungkot ay bahagi ng buhay na material.

 

Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Kaya maging ang kalungkutan ay may dahilan. Ang kalungkutan ay dapat na nagpapaalala sa atin sa Diyos, na nagbibigay sa atin ng lakas ng loob, pag-asa, kaunawaan, pag-ibig, at kagalakan. Ang Diyos ang tanging makakapawi ng ating siphayo o kalungkutan. Ang Diyos ay pag ibig, katotohanan at ligaya. Sa piling Niya ay walang kalungkutan.

 

Kung ang isang tao ay walang pananampalataya o kulang ang pagtitiwala sa Diyos, siya ay kumakapit sa mga bisyo, sa mga tao, hayop, kayamanan, sining, o mga materyal na bagay upang pansamantalang maging masaya at hindi manlumo. Sinikap niyang huwag pansinin ang kanyang nadaramang siphayo. Tinatakasan niya ito at pilit ibinabaon sa limot. Ngunit mas lalo lang siyang magiging malungkot, dahil wala siyang katahimikan, tumatakbo ang panahon at nasasayang ang oras na dapat ay ginugugol niya sa pag alam kung ano ang lunas sa kanyang nadaramang lungkot. Siya ay tumatanda at ang kamatayan papalapit at ang dulot ng mga ito ay dagdag na kalungkutan.

 

Maging ang mga taong may marubdob na pag ibig sa Diyos ay nakakaranas ng kalungkutan. Ngunit ang kanilang kalungkutan ay di tulad ng sa karaniwang tao. Ito ay transcendental o hinde materyal. Ang kanilang lungkot ay di nakabase sa takot, kakulangan, kamangmangan, at kawalan ng pag asa. 

 

Ang lahat ay may layunin, at ang layunin ng kalungkutan ay upang magsilbing paalala na mayroong tunay na kagalakan at mayroong Diyos. Ang sagot sa kalungkutan ay dasal. Ang lahat ng bagay ay galing sa Diyos. Ang kalungkutan ay galing sa Diyos. Ang Diyos sa pamamagitan ng lungkot ay inaatasan tayong magdasal at lumapit sa kanya.

...... 

 

Haribol

My live video recording of 
my original composition "Bakit Kaya"

 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento