Tanikala

https://elements.envato.com/chains-on-the-wrists-4CRTRR8

Lumaban at
di ako natakot sa Martial Law.
Di ako natakot kay Marcos.
Di ako natakot kay Duterte.
Di ako natakot sa Covid.
Di ako natakot na di magpa-Bakuna.



Di ako takot mawalan ng kaibigan.
Di ako takot mawalan ng buhay.
Di ako takot maging sa kamatayan
Pero takot ako sa kamangmangan.
Dahil pangmatagalan, mas malungkot,
at mas malupit ang kamangmangan
kaysa sa kamatayan. 


Ang isang tunay na mangmang
ay di maaring magmahal.
Dahil ang pag ibig na nagmula sa Diyos
ay nakabase sa Kalayaan.
At ang Kalayaan ay nakabase sa katotohanan.
Ang isang mangmang ay di malaya 

hinde siya nakakakita ng katotohanan. 

Siya ay alipin ng dilim,
ng kanyang sarile, at ng mga bagay
na umaalipin dito.


Ngunit sino nga ba ang mangmang?
Sino nga ba ang tunay na mangmang?
Ang mga nakapag-aral ba ay
ay maituturing na di mangmang?
Itinuturo ba sa paaralan ang katotohanan?
Ano ang katotohanan?
Ang mga katanungang ito
ay ilan lamang sa mga dapat sagutin
ng isang taong nais makalaya
sa gapos ng kamangmangan. 

....

My cover of the song, "Blowing in the Wind" 

by Robert Zimmerman, a.k.a. Bob Dylan

......

 

HARIBOL!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento