Kulay Rosas na Pangarap

 

Naaalala mo pa ba
noong nilulutuan kita ng lugaw
na ginigisa ko sa mantika at bawang
at nilalagyan ng kalamansi at toyo
at tinawag kong "goto.”
Tinatawag mo itong “go to hell”
pero gustong gusto mo.
Siguro ay dahil iyon lang
ang kayang kaya kong lutuin noon
at niluto ko yon ng may pagkalinga.

 

 umaapaw ang aking puso sa ligaya
kitang kita ko sa’yong mata at ngiti ang tuwa.
Tunay na hinde kasing halaga ng pag ibig
ang kahit anong bagay na material.
Ang mahalaga ay ang layon ng nagbibigay.
Di na natin maibabalik ang lumipas;
Napakalayo na nito
at di tumatakbong pabalik ang orasan.
Ngunit ngayon ay kasama na naman kita.
Sa isang laban, para sa bayan;
 upang gawing rosas ang kulay ng bukas,
at para patunayang masarap ang lugaw
na binigay ng pusong
may malasakit at pagmamahal.

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento